Thursday, October 28, 2010

Pseudo Relationship

Have you heard of the term pseudo relationship?

PSEUDO means FALSE 

It's like you're in a relationship but you really not
You just treat each other in a SPECIAL way,
But NO COMMITMENTS are involve 
There's no one who court and none to answer... .

You don't know what is your ROLE in his/her life 
You can't expect him/her to be there always for you 

YOU CAN'T DEMAND.

You can't be JEALOUS. You don't have the right

There's NO US,
just YOU and ME


MORE THAN friends BUT LESS THAN lovers.. . 

Monday, October 25, 2010

I'm taking the right path to recovery :)

I am now taking the right path to recovery smile(according to bez josh)

sa totoo lng hndi ko alam kung masaya ba ako o malungkot pero sigurado akong ok nako
last friday nag treat c jabong. nag lamesa grill kami pero hndi kami kumain hahaha nag paka lasing kami
ok nga kasi libre wheee.. . 4 lng kami halos puro alak order nmn hahaha. madaling araw na din ako nakauwi... .
ang dami nmn napag usapan ni jabong isa na yung naging problem ng tropa.. . at syempre yung kinahinatnan nung relasyon nmn ni riecharls isa kasi sya sa unang nakaalam nung maging kami panu nakifiesta haha... . sabi nga dapat papaiyakin nia ko pero ewan ko ba ni isang patak ng luha wala tumulo. pang asar pa yung requested song "I LOVE YOU GOODBYE" kamusta nmn dba.. . pero napaisip ako sa cnabi nia ni jabong.. . sabi ksi nia pedeng hndi nya ko mahal o hndi nia ko minahal cguro infatuation lng. masyado kasing mabilis nagin kami tapos may nililigawan pa tlga sya nun.. . feeling ko nga kontrabida ko sa love story nila eh pero alam ko ba hndi nmn eh.. . tsaka pede n nila ituloy kung anu man naudlot sakanila dati.. . free nmn cla pareho eh... . AKO? ok lng ako ok nako kaya ko maging masaya khit wala na sya cgurado nmn may dadating at dadating somewhere out there :) mas maapriciate ako!

Thursday, October 21, 2010

unti unti nakong nagiging ok :)

unti unti ko nang ntatangap ang lahat :)

nakatulong ng malaki yung message ko sakanya sa fb. nung una nag dadalawang isip ako kung mag iiwan bako ng message sakanya kasi nmn hndi ako mapakali gustu ko tlga syang bumalik sakin kasi nmn mahal ko tlga sya at ayaw ko syang mawala.

pero nung nag reply na sya alam ko naramdaman ko na wala na tlga syang gana. sa haba ng mga cnasabi ko kakarampot ang reply nia.. . hndi na rin sya nag reply sa huling cnabi ko. pero nag tex sya matagal din nag usap kami ng mahaba. at yung pag uusap na yun ang nag palinaw ng isip ko, sa pag uusap kasi nmn ipinaramdam nia na ok na tlga sya hndi nia cnabing masaya sya pero hndi rin nmn daw sya malungkot sa nangyari... . pinaramdam nia din na balewala na sakanya lahat, kahit ang mga cnasabi ko balewala na sakanya  kahit pa ang nraramdaman ko. wala na tlga wla na syang pakialam balewala na sakanya.. . parang akong sinampal yun ang pakiramdam ko malungkot pero wala na dapat lugaran ang lungkot kahit pang hihinayang dahil ginawa kona lahat para sakanya. mahal ko sya pero balewala n yun sakanya.. . ok lng hndi lng nmn sya ang taong pede kong mahalin dba... .

 its now time to get up... . wipe those tears.. . and move forward :)

Tuesday, October 19, 2010

... . wala nakong maisip na title

as usual mabagal padin ang oras at araw sakin.

haay hndi ako nakatiis kanina nag message ako sakanya haay shin gumawa knanaman ng isang malaking katangahan ewan ko ba nmn sayo! mag move on kna nga!!!!! ayan naiinis na tlga ako sarili may oras na ok ako gustu ko madaming makausap makasama. may oras nmn mas gustu kong mag isa mag muk mik at umiyak ng umiyak. anu batong ngyayari sakin nasisiraan nako dito sa bahay walang mapag kaabalahan walang magawa nkakaasar na tlga... . sana biglang bumilis na ang araw at oras ko matapos na tong chapter ng kwento sana mag skip nlng  bigla sa chapter na masaya na din ako na hndi nko naiiyak pag naiisip ko sya. ayoko na nga syang isipin dahil hndi nmn nia din ako naiisip ewan ko ba nmn sakin bkit nahihirapan ako sa totoo lng dapat hndi na eh mas mahirap nmn yung pinag daan ko dati pero naging ok nmn na ako.. . ayoko na umasa hndi ko lng mapigilan nag mahal nga ako at patuloy na nag mamahal... .

Saturday, October 16, 2010

sana ganun lang din kadali para sakin lahat

parang ang bagal ng oras at araw.... . sana ganun lang din kadali para sakin kalimutan lahat.

naabutan ko syang online kagabi sa fb. ang sakit para sakin na pinapakita nya sa mga wall posts nia na masaya na sya ang bilis moved on na sya masaya na sya buti pa sya. walang 1 week kaming hiwalay at kahit alam kong walang ng pagasang bumalik pa sya hndi ko maiwasang umasa. bakit nga ba  dahil ba sa sinabi nyang mahal nia padin ako? mahal nya padin ako pero ayaw na nya ko maging parte ng buhay nia, gustu nia na ko pero ayaw na nia ko makasama masakit at mahirap tangapin. ayokong umiyak pero hindi ka maiwasan yung huling blog ko napaiyak ako pag katapos ko i post. ngayon nmn habang ginagawa ko tong post na to umiiyak ako naiinis na din nga ako sa sarili ko bakit ba masya akong nag papaapekto sa mga negatibong bagay dapat positive ako dapat hindi ganito dapat mag pakasaya ako dapat mag focus ako sa ibang bagay. ayoko munang buksan fb ko. hndi muna gagawa ako ng ibang bagay pero anu nmn hindi pako makapag umpisa sa ojt ko hindi din tumawag akin yung kenny... . kahit gustu kong matulog ng mahaba hndi ko magawa kahit gustu kong kumain ng madami hndi ko padin magawa. ayoko ng ganitong pakiramdam sana may time machine nlng na mag dadala sakin sa panahon na masaya nako na naka move on nako para makatulog nako ng mahimbing. makakain ng maayos. sa panahon na masaya nako at hndi na kita iniiyakan... .

Friday, October 15, 2010

3rd blog

eto nanaman ko mag ppost nanaman ng blog.... . kanina maaga ako nagising parasa portfolio shoot namin ni marga sa island cove masaya naman nakakahiya nga kay marga kasi sya gumastos lahat babawi nalang ako sakanila pag may trabaho nako hehehe. wala akong tulog. kanina ko pa nga gustung matulog eh kaya lang nahihirapan ako. nakakatangap padin ako ng mga message bout sa nangyari sakin.. . GUYS I'm moving on pinipilit ko. na aapriciate ko lahat kea lng parang mas nahihirapan ako sa ginagawa at mga cnasabi nio. thank you thank you mhuwa! sa totoo lng ang hirap mag pretend na ok pero nagagawa ko nmn dba hehehe pag kasama ko  yung iba hndi mahahalatang may problema ko. may problema nga ba? wala! wala akong problema malungkot lng talga ko. at ayoko problemahin kung pano ko sasaya. sabi nga ni marga kanina i pahinga ko muna sarili ko hindi yung pahinga na hindi nako kikilos. pahinga with deeper meaning. nakuha ko yun pahinga muna sa pag iisip sakanya pahinga muna sa pag iyak pahinga muna sa pagiging malungkot. pero ang hirap pala gustung gustu ko na matapos lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon pero imposible pa. ang magagawa ko ay mag hintay. maghintay ng tamang oras at panahon dahil ito lang ang gagamot sa sakit. hindi ko kailangan magmadali o gumamit nag ibang tao para maka move on mgagawa ko to ng dahan dhan.

ang yakapin lahat ng nararamdaman kong pag mamahal at sakit para sakanya hangang maging parte na ito ng pagkatao ko. yan ang magagawa ko sangayon oras ang kailangan ko.

Wednesday, October 13, 2010

emoness

haay pangatlong araw na kaming break hindi padin ako mkakain ng maayos sobrang madrama nba ko o.a naba anong magagawa ko eh nahihirapan pa talga ako. kanina lang pagkabukas ko ng fb acct. ko nakita ko nnmn profile nia ewan ko ba naman sakin alam kong masasaktan lng ako pero hindi ko maiwasan eh. andito padin yung pakiramdam na gustu ko syang makita gustu kong mabalik yung dati yung kami padin. pero alam kong imposible ng mangyari yun hindi naman na ako umaasa gustu ko lang. ngayon umaga aalis ako mag aaply para sa next ojt ko tapos baka mag baclaran ako alam kong kahit anong gawin ko isip isipin ko parin sya maalala at malulungkot malamng maiyak pa nga. hindi ko alam kung hangan kelan ako ganito. sabi nga nila time will heal all wounds kahit gano pa kalalim. sangayon yayakapin ko nlng lahat ng pagmamahal at lahat ng sakit nanararamdaman ko para sakanya hangang sa maging part na to ng pagkatao ko hangang sa kaya ko ng ngitiian lahat ng nararamdaman ko para sakanya. madrama naba masyado??? hehehe ok lng hindi ako nahihiya kung madrama man ako. ako to eh ako si rosheene o shin sa mga kaibigan ko. GANITO AKO MAGMAHAL!

my sisters in heart :) First Blog ko

sa Pamilya namin only girl ako wala akong kapatid na babae except sa sister in-law ko. Pero sa mundong ginagalawan ko ngayon meron akong mga tunay na sisters, sisters not in blood but in heart sila yung mga tunay kong kaibigan na matatawag kahit hindi kami nakatira sa isang bahay, merong kanyakanyang pamilyang inuuwian at kahit madalang pa sa patak ng ulan kami mag kita kita hindi nawawala ang suporta at pag mamahal nila lagi handa tumulong kung kaylangan ko handa lagi makinig sa mga problema at handa lagi dumamay lalo na pag lugmok at malungkot ako sa buhay hndi sila nawawala laging nandyan lang.. . madalas kasama ko sa mga trip kong gawin lalo na mga kagagahang pinagkakasunduan namin katulad ng pag INOM hahaha tama ba?? kwentuhan at ang favorite topic boylets, love life at yung tsismosang kapitbahay namin. kahapon lng kasama ko yung isa sa mga sisters ko sinamahan nya ko gumala kasi alam nyang problemado ako nag break kasi kami ng 2nd bf ko alam niang malungkot ako at iiyak lang kung mag stay ako sa bahay kung anu anung kwento ang sinabi nia sakin para lang makalimutan ko ang masaklap na pangyayari sa buhay ko. kanina naman pinuntahan ako dito sa bahay ng dalawang sisters ko alam din nila yung nangyari at syempre napaiyak nanaman nila ako pero ok lng sabi nga ok lng umiyak paminsan minsan. painayuhan nila ko nag share ng mga kwento para malinawan nmn ako. ang saya ko kasi pagtapos namin magusap tatlo gumaang ang pakiramdam ko. syempre malungkot pdin nasasaktan padin pero masasabi kong mas ok na ako ngayon mas kaya ko na humarap sa ibang tao na hndi plastic ang ngiti ko. sayang nga hindi nakarating yung isang sis ko.

nag papasalamat ako sa Dyos kasi kahit hndi nia ko binigyan ng tunay na mga sisters at malas pagdating sa love life binigyan nmn nia ko ng mga tunay na kapatid HIGIT pa nga eh! I LOVE YOU GIRLS <3<3<3